Eto ang aking nararamdaman ngayon. Di na muna ako mag ingles. tagalog muna.
Actually, ambigat ng nararamdaman ko ngayon. Hirap kasing tawaging leader ang sarili ko. Parang di ko naman nagagampanan.
Di rin ako coordinator kasi di naman nagkakaroon ng coordination. Kay bigat sa puso. Dami pang gustong lumipat dahil lang sa pansariling kagustuhan na gusto ko lang din mana mabago. Di ko alam kung paano ba ito. Pero hirap na ako. Sa totoo lang, parang gusto ko na bumitaw. Gusto ko na sumuko. Di naman talaga ako leader. I'm not a good follower eh. I'm also not good in showing love, even if I really loved them. I want to cry. Ganto ba talaga maging leader? Kaya ko ba? Di naman ako marunong mag-encourage. Ako din kasi parang di naman naeencourage. Gusto ko ng magpaalam. Umalis. Lumisan.
Pero, umiikot sa isip ko ang saling "commitment". Napaisip ako, san nga ba ko nag commit? Kanino ba ang committment ko?
Matagal kong pinag isipan. Pinag nilay nilayan. Kay Kristo ang "committment" ko. Bkit ko iiwanan. Nakakahiya na naisip ko lumisan. Nkakahiya na maisip ko sumuko, dahil lagi ko naman sinasabi na mahirap ang buhay Kristyano. Maraming balakid. Pero iisa lang ang kalaban. Ang alam ko, nung simula pa lang, natalo ko na siya, Dahil talo siya ng Panginoon ko.
Kaya ko to! Kakayanin ko! Paghihirapan ko! Haharapin ko! At aaminin ko, kelangan ko ng tulong ninyo mga kapatid ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento